singcat.net

647 – hangganan 歌詞

お待ちください...

ilang araw pa lang ang lumipas ng ika’y magpaalam
tinatanong aking sarili kung bakit nagpalaya

‘di na natin kailangan pa ng mga paliwanag
mahirap man tanggapin ngunit ang lahat ay may hangganan

walang may gusto nito
dapat lang talaga
hindi ko pagkakaila
na ayaw kitang mawala

gusto kong lumipad
patungo sa iyo sinta
nais kong sumigaw
ng pwede pa, o pupwede pa ba

nakatanaw sa inabot mo na liham
‘di mo man lang pinagpaliban ang ‘yong paglisan (patawad)

walang madaling paraan
para bigat ay gumaan
sapat na ang naramdaman
talagang hanggang dito nalang

gusto kong lumipad
patungo sa iyo sinta
nais kong sumigaw
ng pwede pa, o pupwede pa ba

bakit ba hindi nalang gawan ng paraan
‘wag natin sayangin ang nasimulan
lumipad, sumigaw
labanan ang tadhana. ako at ikaw

gusto kong lumipad
patungo sa iyo sinta
nais kong sumigaw
ng pwede pa, o pupwede pa ba

gusto kong maghayag
ng nadarama, ngunit nasan ka?
‘di ko na kaya pang
bumalik muli sa umpisa

- 647

ランダム